Malinaw ang gustong ihandog ng award-winning director na si Joey Reyes sa forthcoming Metro Manila Film Festival entry ng OctoArts Films na My Househusband: Ikaw Na, ang isang bahagi ng tunay na buhay.“Ngayong Pasko ay makikita ninyo ang sarili n’yo o isa man lang sa mga kakilala n’yo sa pelikulang ito,” sabi niya. “Each of the MMFF entries has its own slant and for us, we offer nothing fantastic, just reality — and that’s our edge.”
At sino pa nga ba ang mas makakapag-deliver ng kanyang nais ihandog sa mga manonood kungdi ang real-life husband and wife na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos? Ayon kay Direk Joey, dahil sa dalawang bida niya ay mas napadali ang paggawa niya ng pelikula na, “Walang kapekean. They must be themselves because this film is about showing what’s really happening now,” kuwento ni Direk.